|
||||||||
|
||
Delegasyong Pinoy patungo sa Laos, aabot sa 30 katao
SINABI ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ma. Hellen B. De la Vega na mahalaga ang pagdalo ng Pilipinas sa pagpupulong sa Vientiane, Laos sapagkat bilang "founding member" ng Association of Southeast Asian Nations. Kasama ang mga Secretary ng Foreign Affairs, Secretary ng Trade and Industry at Secretary ng Social Welfare and Development bilang tatlong sandigan ng samahan na itinatag noong nakalipas na Disyembre.
Ang Secretary of Foreign Affairs ang kakatawan sa ASEAN PoliticalSecurity Community pillar, ang Secretary of Trade and Industry na kakatawan sa ASEAN Economic Community pillar at ang Secretary og Social Welfare and Development ang kakatawan sa ASEAN Socio-Cultural Community pillar.
Sa kanyang paharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Assistant Secretary De La Vega, pormal na tatanggapin ng Pilipinas ang pagiging chairman para sa ASEAN 2017 na magsisimula sa unang araw ng Enero ng susunod na taon.
Mananawagan din si Pangulong Duterte na magkaroon ng pinag-ibayong kampanya laban sa ilegal na droga.
Idinagdag pa ni Asst. Secretary de la Vega na magpapalitan ng pananaw ang mga pinuno ng iba't iba't ibang bansa sa regional security at ito ay kabilang sa ng nakahandang paksa.
Wala pa ring balita kung mag-uusap sina Pangulong Duterte at Chinese Premier Le Kequiang sapagkat limitado ang oras ng iba't bang pinuno ng bansa. Ilan sa mga opisyal ng bansa ang nakatakdang umalis bukas upang dumalo sa senior officials meeting na susundan ng ministerial meetings. Nakatakdang lumisan si Pangulong Duterte sa Linggo ng umaga.
Dadalaw din ang pangulo sa Indonesia bago umuwi ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |