Kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, inaasahang sisigla
SA likod ng mga 'di pagkakaunawaan sa ilang mga isyu sa karagatan, umaasa ang Pilipinas at Tsina na mas magiging mainit ang kalakal at pagtutulungan sa larangan ng pananalapi.
Nais ng magkabilang-panig na pasiglahin ang patutulungan sa kalakalan ng mga produkto mula sa mga sakahan, financial cooperation sa pamamagitan ng currency swap, customs, project financing at turismo.
Ayon sa pahayag ng Department of Finance ngayon, sa pagdalaw noong nakalipas na linggo ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III, inialok ng Beijing ang suporta sa mga priority project ni Pangulong Duterte tulad ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways, Department of Transportation at Department of Agriculture.
Nagpasalamat naman si Secretary Dominguez sa mga inialok ng Chinese ambassador. Nanawagan ang mga opisyal ng Tsina sa DoF na madaliin ang pagiging kasapi ng Asian Infrastructure and Investment Bank.
1 2 3 4