|
||||||||
|
||
MGA KASUNDUAN SA ASEAN KAILANGANG IPATUPAD. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang matupad ang mga napagkasunduan ng iba't ibang kasapi ng ASEAN upang higit na umunlad ang rehiyon. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa pagtitipon kagabi sa Vientiane, Laos. (Presidential News Desk)
NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na nararapat na ipatupad ang mga kasunduang nakamtam sa mga nakalipas na taon. Sa kanyang talumpati sa 13th ASEAN Business and Investment Summit sa Vientiane, Laos, sinabi ni G. Duterte na mula ng maitatag ang samahang pangrehiyon noong 1967, kailangang mapatibay ang regional integration. Nagtagal umanong magkasundo ang mga bansa na pagsamahin ang pambansang interest sa layunin ng Association of Southeast Asian Nations.
Sa panig ng Pilipinas, ginagawa na nito ang pagpapasigla sa micro, small at medium enterprises, e-commerce, youth at women entrepreneurship.
Pangalawang bagay na binanggit ni G. Duterte ang pagpapaunlad at pagsasama ng sub-regional cooperation framework sa rehiyon. Mayroon umanong Greater Mekong Sub-Region, ang Indonesia-Malaysia-Thailand growth triangle at ang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area na kilala sa pangalang BIMP-EAGA.
Sisigla ang mga pagawaing-bayan sa Mindanao at Kabisayaan sa pamamagitan ng mga lansangan at mga tulay tulad ng Mindanao Logistics Infrastructure Network. Magkakaroon din ng roll on-roll off facilities sa Davao at sa Bitung sa Indonesia.
Nararapat ding suportahan ng ASEAN ang micro, small, medium enterprises. Ginagawa na rin ng ASEAN ang mga pangako nito sa ASEAN Free Trade, at ang ASEAN Free Trade Agreement sa Australia, New Zealand, China, Japan, India, Korea na pinakikinabangan na.
Kailangang magkaisa ang rehiyon sa pagsugpo sa transnational crime na isa sa pinakamahirap malutas ng rehiyon. Ito ang pinagkakaabalahan ng Pilipinas ngayon, dagdag pa ni G. Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |