Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapatupad sa mga naunang kasunduan, kailangan

(GMT+08:00) 2016-09-07 18:45:41       CRI

Gabay sa pagpapatupad ng kautusan laban sa terorismo pinalabas

INILABAS na ng Malacanang ang mga alituntunin para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagpapatupad ng kautusan hinggil sa mga pamamaraan ng pagsugpo at pag-iwas sa lawless violence sa bansa.

Sa kautusan ni Pangulong Duterte, pinalabas na ang guidelines sa Memorandum Order No. 3 na nilagdaan noong Lunes ni Executive Secretary Salvador Medialdea na siyang government caretaker samantalang wala si Pangulong Duterte sa bansa.

Nilagdaan ni G. Duterte ang Proclamation No. 55 na nagsailalim sa buong bansa sa "state of national emergency" dahil sa lawless violence at terorismo sa Mindanao upang maiwasan na rin ang pagkalat nito sa ibang pabahagi ng Pilipinas.

Maglalabas ang Department of National Defense at Interior and Local Government ng mga kawal at pulis sa malalaking lansangan at matataong pook tulad ng mga mall at train stations upang madagdagan ang troop at military visibility. Kailangan din ang quick-response purposes ng hindi maaalarma ang mga karaniwang mamamayan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Asst. Secretary for Legal Affairs Marie Rafael Banaag na hindi sasaklawan ng presidential proclamation ang bill of rights. Pinahahalagahan umano ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>