Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, pumayag sa pagpapataw ng parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso: Itinanggi naman ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2016-09-12 18:00:06       CRI

Piston, nangangamba sa "emergency powers"

SA likod ng magagandang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagaan ang kalagayan ng mga motorista sa Metro Manila sa pamamgitan ng "emergency powers" na kanyang hinihingi sa Senado at Kongreso, nangangamba ang isang lider ng mga tsuper na higit na makikinabang ang pribadong sektor kaysa mga mamamayan.

Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga, sinabi ni G. George San Mateo, pangulo ng PISTON, isang malaking samahan ng mga tsuper ng jeepney na ang mga Ayala at Pangilinan na naman ang makikinabang sa pamamagitan ng "Public-Private Partnership" sa mga pagawaing bayan.

Inihalimbawa niya ang karanasan ng mga Filipino noong panahon ni dating Panglong Fidel V. Ramos na nasadlak ang bansa sa matinding pangangailangan ng kuryente kaya't sa pamamagitan ng emergency powers, nakipagpakasundo ang pamahalaan sa pribadong sektor na bumuo ng independent power producers. Lubhang mahal ang kanilang naging singil sa mga mamamayan.

Pinag-aralan umano nina G. San Mateo ang nilalaman ng panukalang emergency powers mula sa pamahalaang Duterte at laking gulat nilang mabibigyan ng sovereign guarantees ang mga proyektong nasa talaang isinumite sa Senado at Kongreso ng pamahalang Duterte. Nagulat din umano sila sa mga proyektong wala ng kinalaman sa traffic. Inihalimbawa niya ang mga proyektong may kinalaman sa paliparan at mga proyekto sa paligid nito.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>