Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Vice-President Robredo, hinirang na chairman ng HUDCC

(GMT+08:00) 2016-07-08 16:50:18       CRI

Tinawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gng. Leni Robredo kagabi at inalok na pamunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council.  Tinanggap ni Gng. Robredo ang alok at makakasama na siya sa darating na cabinet meeting sa Lunes, ika-11 ng Hulyo.  (File Photo/VP Leni Robredo Media Bureau)

TAPOS na ang iba't ibang kwento tungkol sa opisyal na relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Pangalawang Pangulong Ma. Leonor "Leni" Gerona Robredo. Naganap ito sa pagkakahirang ni Pangulong Duterte kay Gng. Robredo bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Sa isang nationwide telecast mula sa Rizal Hall ng Malacanang, tinawagan ni Pangulong Duterte si Gng. Robredo at pormal na inialok ang posisyon sa tila nagulat na pangalawang pangulo.

Sa kanilang pag-uusap sa telepono, sinabi ni G. Duterte na ibibigay na ng kanyang Executive Secretary na si Atty. Medialdea ang appointment papers ni Gng. Robredo.

Makabubuti na ito upang makadalo rin si Gng. Robredo sa cabinet meeting na nakatalaga sa darating na Lunes, ika-11 ng Hulyo. Makakasama pa sa briefing sa National Security Council si Vice President Robredo.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>