|
||||||||
|
||
20160718Meloreport.mp3
|
THINK TANK SEMINAR ON SOUTH CHINA SEA, IDINAOS. Makikita sa larawan ang bahagi ng mga lumahok sa mahalagang pulong hinggil sa South China Sea at Regional Cooperation sa Grand Copthorne Waterfront Hotel sa Singapore. Itinaguyod ng Institute of Chinese Borderland Studies ng Chinese Academy of Social Sciences at Nanyang Technological University. (Melo M. Acuna)
NAPAPANAHON ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa balak nitong makipag-usap sa Tsina matapos maglabas ng desisyon ang Arbitral Trinubal noong nakalipas na Martes.
Ayon kay Prof. Fan Jishe, maliwanag sa madla na hindi lalahok at hindi kikilalanin ng Tsina ang pagdulog ng Pilipinas sa Arbitral Trinubal subalit napapanahong mag-usap ang magkabilang-panig.
MALAKING PINSALA ANG NAGAWA NI PANGULONG AQUINO. Sinabi ni Prof. Fan Jishe ng Institute of American Studies ng CASS na malaki ang pinsalang idinulot ng kakaibang paninindigan ni Pangulong Aquino sa nakalipas na anim na taon. Angkop umano ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng pag-uusap ng Tsina at Pilipinas. (Melo M. Acuna)
Si Prof. Fan ay kabilang sa mga lumahok sa Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development na idinaos sa Grand Copthorne Waterfront Hotel sa Singapore.
Itinaguyod ang pagpupulong ng Institute of Chinese Borderland Studies, Chinese Academy of Social Sciences at suportado ng China Programme of the S. Rajaratnam School of International Studies ng Nanyang Technological University.
Ipinaliwanag ni Prof. Fan na para sa Pilipinas ang pagdulog nito sa arbitration ay isang paraang teknikal upang malutas ang mga isyung politikal, ugnayang panglabas at ang masalimuot na territorial dispute.
Sa panig naman ng Tsina, hindi ito ang angkop na paraan. May mga isyung hinarap ang Tsina na tumagal ng ilang dekada subalit nalutas din naman. Pasensyoso umano ang Tsina sa pagtugon sa mga problema. Higit umanong naging komplikado ang problema ng pumasok ang Estados Unidos.
Nakatitiyak umano si Prof. Fan na makabubuti sa magkabilang bansa na makikinabang sa pamamagitan ng bilateral negotiations.
Inihambing ni Prof. Fan sa Western Medicine ang ginawa ng Estados Unidos sa Iraq na kinatampukan ng madaliang solusyon sa problema subalit nakaalis na ang karamihan ng mga kawal Americano ay umusbong naman ang mga rebeldeng ISIS.
Ani Prof. Fan, sa Chinese o Eastern Medicine, matagal man ang gamutan ay mas lumalabas na higit na mabisa kaysa mga paraan ng mga kanluranin.
Kabilang si Prof. Fan sa mga nagsalita sa pagpupulong ng mga dalubhasa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |