|
||||||||
|
||
Mga kongresista, inatasan ang Department of Transportation na liwanagin ang programang ipatutupad sa ilalim ng emergency powers
INUTUSAN ng (House) Committee on Transportation ang Department of Transportation na kilalanin ang mga krisis na tutugunan ng kanilang panukalang emergency powers para kay Pangulong Duterte.
Sinabi ni Congressman Cesar Sarmiento ng Catanduanes at chairman ng House Committee on Transportation na ang hindi pagkakakilala sa krisis ay maaaring mauwi sa mali o higit sa kinakailangang poder.
Sinabi rin ni Congressman Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna na kailangang suriin ang mga balak at programa na kabilang sa emergency powers upang maibsan ang pangamba na magkaroon ng pag-abuso.
Ayon kay Quezon City Congressman Winston Castelo, chairman ng Metro Manila Development Committee na ang mga bagay na masasaklaw ng emergency powers ay ang secondary access roads na magagamit upang maibsan ang traffic, bidding at procurement issues at ang mga resolusyon ng MMDA na hindi maipatupad sa kakulangan ng gulugod upang maging batas.
Si Castelo ang may akda ng House Bill 1315 o Metro Manila Gridlock of 2016 na tutugon sa traffic crisis sa Metro manila sa pagbibigay sa pangulo ng karapatang balasahin ang MMDA at isaayos ang pondong kailangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |