|
||||||||
|
||
Amerika, tunay na kaibigan subalit …
SINABI ni Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na kinikilala pa rin ng Pilipinas ang Estados Unidos na mapagkakatiwalaang alyado subalit hindi matatanggap ang mga pangaral hinggil sa human rights bilang kondisyon sa pagtanggap ng tulong.
Idinagdag pa niyang hindi maaaring maging mga mumunting kapatid ng America sa kanyang panawagan sa paggalang sa pagitan ng magkakaalyadong bansa.
Ayon sa lumabas na balita sa Maynila mula sa Washington, tiniyak ni G. Yasay sa mga dalubhasa sa America hinggil sa pangako ng Pilipinas na positibong relasyon sa America na dating mananakop.
Ginawa niya ang kanyang pahayag sa tila nasirang relasyon ng dalawang bansa matapos ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglunsad ng madugong pakikidigma sa mga nasa likod ng iligal na droga. Higit na umano sa 3,000 pinaghihinalaang drug user at dealer ang napaslang mula noong unang araw ng Hulyo, 2016.
Kinansela ni Pangulong Barack Obama ang pormal na pakikipag-usap kay G. Duterte sa Asia-Pacific leaders meeting matapos gumamit ng 'di katanggap-tanggap na kataga sa pagbababalang hindi niya tatanggapin ang pangaral hinggil sa human rights.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |