Alert Level sa Libya, ibinaba na
PASADO na kay Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. ang pagbababa ng Crisis Alert Level para sa Libya mula sa Alert Level 4 na nangangahulugan ng mandatory repatriation/evacuation sa Alert 2 na nangangahulugan ng restriction phase kasunod na rekomendasyon ng Security Assessment Team na kailangan nang ibaba ang alert level upang tumugon sa security situation sa pook. Ipinadala ang Security Assessment Team sa Tripoli, Libya noong ika-9 hanggang ika-13 ng Agosto.
Itinataas ang Alert Level 2 kung may panganib sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Filipino mula sa mga kaguluhan at kawalan ng katatagan. Ang mga Filipino ay pinapayuhan na huwag munang maglalabas kung hindi kailangan, umiwas sa matataong pook, at maghanda sa paglikas. Samantalang bawal pa rin ang bagong labor deployment, ang mga Filipino na may balido at mga kontratang garantisado ay papayagang bumalik kung nanaisin nila.
1 2 3 4 5 6