Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saksing humarap sa Senado, itinuro si dating Mayor Rody Duterte

(GMT+08:00) 2016-09-15 18:59:30       CRI

 

ISANG 57-taong gulang na lalaking nagngangalang Edgar Matobato na nagpakilalang dating kasama sa Davao Death Squad ang nagturo kay dating Davao City Mayor at ngayo'y Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng mga pagpatay sa higit sa 1,000 katao.

Kinuha umano siya ni G. Duterte bilang isa sa pito kataong "Lambado Boys" noong 1988 na hindi naman nagtagal ay naging Davao Death Squad.

Pinamumunuan ni Senador Leila de Lima (kaliwa) ang pagdinig ng Senador sa serye ng mga napapatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs. Wala umanong balak si Senador de Lima na hadlangan ang operasyon ng pulisya bakot ay nais matiyak na walang sinumang lumalabag sa batas sa pagtupad sa kanilang mga gawain. Na sa gitna si Senador Panfilo lacson samantalang nasa kanan naman si Senador Tito Sotto. (PRIB Photo ni Cesar Tomambo)

Nagtrabaho umano siya bilang "ghost employee" sa Davao City Hall na tumagal ng may 24 na taon bilang bahagi ng Civil Security Unit na ang obligasyon ay pumatay ng mga kriminal.

Idinagdag pa ni Matobato na inutusan sila ni G. Duterte na tambangan si noo'y Commission on Human Rights Chairperson Leila de Lima.

Idinagdag pa ni Matobato na patayin ang mga Muslim na pinaghihinalaan sa pambobomba sa Davao Cathedral noong 1993. Inamin ng saksi na siya rin ang nagtapon ng granada sa isang mosque. Dinukot din ang mga pinaghihinalaang Muslim at pinatay. Inilibing ang kanilang mga labi sa Laud quarry.

 Nag-uusap sina Senador Leila de Lima (gitna), Senador Antonio Trillanes (kaliwa) at Senador Alan Peter Cayetano sa pagpapatuloy ng pagdinig sa mga pahayag ng isang saksing umaning bahagi ng Davao Death Squad. (PRIB Photo)

Idinagdag pa niyang kasama siya ng limang iba pa na dumukot sa isang nagngangalang Sali Makdum sa Samal noong 2002. Binigti umano nila at pinaghihiwalay ang mga bahagi ng katawan.

Ipinapatay umano ni Paolo, anak ni Pangulong Duterte at ngayo'y vice mayor Paolo ang isang tsuper na nauna sa kanyang sasakyan matapos ang kanilang pagtatalo.

Binanggit pa ni G. Matobato na karaniwang ginagawa ng mga pulis ang pagtatanim ng baril sa pinangyarihan ng mga krimen. Lagi umanong may reserba ang mga pulis na iiwan sa biktima. Kasama rin siya sa mga dumukot at pamatay sa isang fixer sa Land Transportation Office noong 2003.

May dinukot rin silang tatlong babae mula sa kanilang mga tahanan noong 2013 at ininapon ang mga labi sa lansangan ng Barangay San Rafael. Sa utos ni Mayor Duterte at apat na ibang alkalde, sinabi ni Matobato na pumatay sila ng isang kasapi ng religious group. Kinilala ng saksi ang unang biktimang nagngangalang Jun Barsabal.

Ang dahilan ng pagpapapatay ay ang pagtatayo ng tahanan ni alias Jun Barsabal sa isang lupaing pag-aari ng mga ito. Iniutos umano ni Vice Mayor Paolo Duterte na patayin ang bilyonaryong si Richard King noong 2014 dahil sa isang "Ochoa" isang babaeng kapwa nila nililigawan. Ang mga rebel returnees na kinilalang sina Joel Tapalkes at Loloy Gabas ang binigyan ng P 500,000 upang patayin ni King. Higit na umano sa isang libo katao ang napaslang mula noong 1988 hanggang 2013.

Si Matobato ay nagpahayag pang si Mayor Duterte ang nag-utos na patayin ang brodkaster na si Jun Pala, isang matagal na pumupuna kay Mayor Duterte. Nabanggit din niyang gumagamit ng bawal na gamot si Paolo Duterte.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>