|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, nakatakdang dumalaw sa Tsina
INAMIN ni Ambassador Zhao Jianhua sa panayam ng mga mamamahayag pagkatapos ng kanyang talumpati na nag-uusap na ang Tsina at Pilipinas sa napipintong pagdalaw sa Beijing ni Pangulong Duterte.
Bagaman, sinabi ni Ambassador Zhao na nakapa-aga pa upang ilabas ang buong detalyes ng napipintong pagdalaw sa susunod na buwan. Idinagdaga pa niyang magiging kapaki-pakinabang sa Pilipinas at Tsina ang higit na mainit na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Interesado umano ang Tsina na tumulong sa Pilipinas sa mga pangangailangan nito sa larangan ng transportasyon at maging sakahan.
Unang lumabas ang balita na dadalaw si Pangulong Duterte sa Tsina at Japan sa Oktubre. Ayon sa diplomatic sources ng CBCPNews, naghahanda na ang magkabilang panig sa pagdalaw subalit wala pang takdang petsa.
Sa panig naman ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nakatakdang dumalaw sa Tsina ngayong Miyerkoles, sinabi niyang makabubuting tanungin na muna si Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. sa pagkakaudlot ng kanyang paglalakbay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |