Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, magtutungo sa Viet Nam

(GMT+08:00) 2016-09-27 11:29:37       CRI


 Pangulong Duterte, magtutungo sa Viet Nam

AALIS si Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkoles at magtutungo sa Viet Nam para sa dalawang araw na opisyal na pagdalaw.

Sa isang briefing na ibinigay ni Asst. Secretary Charles Jose ng Department of Foreign Affairs, sinabing ang pagdalaw na ito ay pagpapakilala sa mga kalapit-bansa. Samantalang na sa Ha Noi, makakausap ni Pangulong Duterte si Pangulong Tran Dai Quang at dadalaw sa iba pang pinuno ng bansa.

Naghahanda na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Ha Noi upang makaharap ni Pangulong Duterte ang mga Filipinong nasa Viet Nam. Sa pinakahuling pagtataya, mayroong 3,800 mga Filipino sa umuunlad na bansa.

Idinagdag ni Asst. Sec. Jose na tagapagsalita rin ng Department of Foreign Affairs na pag-uusapan ng magkabilang panig ang mga isyung may kinalaman sa mahahalagang interes tulad ng maritime cooperation, pagpapalawak ng pagpapatupad ng batas at defense cooperation. Pasisiglahin din ang kalakalan at palalakasin ang mga pagkilos sa larangan ng kultura at pagpapalitan ng kaalaman sa pagsasaka at pangingisda.

Pag-uusapan din ang regional at international issues. Patuloy na lumalakas ang relasyon ng magkabilang bansa mula ng magsimula ang magandang relasyon noong ika-12 ng Hulyo 1976.

Nagkaroon na ng paunang pag-uusap sa pagitan ni Pangulong Duterte at Prime Minister Nguyen Xuan Phuc sa ASEAN Summit at related summits mula noong ika-anim hanggang ika-walo ng Setyembre sa Vientiane, Laos.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>