MAGPAPATULOY ang kaunlaran ng Pilipinas sa taong ito at sa 2017 dahil sa malakas at matatag na investments, consumption ng mga mamamayan at programa ng pamahalaang pasiglahin ang investments sa infrastructure at human capital.
Sa update sa taunang economic publication na Asian Development Outlook 2016, tinataya ng ADB na ang 2016 Gross Domestic Product ay magkakaroon ng kaunlaran na 6.4% mula sa naunang projection noong Marso na 6.0%.
Sa taong 2017, ang kaunlaran ay mababawasan at makakamtan ang 6.2% at mas mataas pa rin sa naunang forecast na 6.1%. Isa ang Pilipinas sa mga mabilis na umunlad na bansa sa timog silangang Asia.
Sa pagdagsa ng investment at consumption, lumawak ang ekonomiya ng 6.9% sa unang bahagi ng 2016. Ang election-related spending at consumption at investments mula sa pribado at publiko ang nagpasigla ng ekonomiya. Tumaas din ang bilang ng job creation sa pagbaba ng unemployment at 5.4% noong Hulyo ng 2016 mula sa 6.5% noong 2015 at nakatulong din ang malaking halagang padala ng mga manggagawang nasa ibang bansa.
1 2 3 4