Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdiriwang ng Embahada ng Tsina, matagumpay na idinaos

(GMT+08:00) 2016-09-28 16:24:01       CRI

Handang humarap sa Senado at Kongreso kung aanyayahan

MARINE OFFICER, HANDANG HUMARAP SA SENADO AT KONGRESO. Sinabi ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino (kaliwa) na handa siyang humarap sa anumang pagsisiyasat ng Kongreso at Senado hinggil sa paglaganap ng bawal na gamot. Humarap si Col. Marcelino sa Wednesday Roundtable @ Lido kanina. Kasama niya si Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta na tumutulong sa mga dokumentong kailangan ni Col. Marcelino. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino na handa siyang humarap sa mga mambabatas ng Senado at Kongreso sa oras na ipatawag siya sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat sa paglaganap ng droga mula sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Colonel Marcelino na gumugol na siya ng 18 taon sa larangan ng intelligence at isinugal na niya ang kanyang propesyon sa pagtugis sa mga sindikatong nasa likod ng bawal na gamot.

Kasama niyang humarap sa Wednesday Roundtable @ Lido si Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta na nagsabing handa silang tumulong kaninoman na mangangailangan ng payong legal kung walang makuhang pribadong abogado.

Ayon kay Colonel Marcelino, wala siyang nalapitan upang hingan ng tulong sapagkat mula sa kanyang paglaya sa piitan, hindi na niya inabala ang kanyang mga kaklase at kaibigan.

Ipinaliwanag niyang lubha siyang nagulat sa ikinilos ng ilang mga taga-usig sa kaduda-dudang aksyon sa kanyang usapin. Pinalabas umano sa media na marami siyang bank accounts subalit hindi naman inihayag sa publiko kung magkano ang mga deposito sa iba't ibang bangko. Maliwanag umano ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na wala siyang tinanggap mula sa mga sindikato sa droga. Mahirap pa rin umano ang kanyang pamilya at kasalukuyang hinuhulugan pa rin nila ang kanilang tahanan.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>