|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, naglakbay na patungong Viet Nam

PANGULONG DUTERTE NAGSALITA SA MGA FILIPINO SA VIETNAM. Ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa may 600 mga Filipinong dumalo sa pulong kagabi ang mga nagaganap sa bansa. Karamihan ng mga Filipino sa Vietnam ay mga higher management officials. (Malacanang Photo)
UMALIS na si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Viet Nam kahapon ng hapon. Sa kanyang pahayag, nagtungo siya sa Viet Nam sa paanyaya ni Pangulong Tran Dai Quang, dalawang araw siyang magsasagawa ng kanyang official visit.
Sa nakalipas na apat na dekada, naging malakas ang relasyon ng dalawang bansa sa layuning magkaroon ng kapayapaan at kaunlarang nakasalalay sa "sovereign equality," walang pakikialam sa isa'at isa at payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan.
Sa kanyang pagdalaw sa Viet Nam, sinabi ni G. Duterte na higit na magtutulungan ang dalawang bansa at sa kanyang pakikipag-usap sa mga pinuno ng bansa, isusulong ang economic bilateral cooperation at pagtutulungan sa larangan ng ekonomiya, pagsasaka, tanggulang pambansa at maritime cooperation.
Isusulong din ni Pangulong Duterte ang kanyang pananaw na magkaroon ng ASEAN drug-free community. Pamumunuan ng Plipinas ang ASEAN samantalang pamumunuan naman ng Vietnam ang APEC sa susunod na taon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |