|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, ginawaran ng parangal sa pagdalaw sa Vietnam


MAINIT NA TINANGGAP SI PANGULONG DUTERTE SA VIETNAM. Makikita ang mainit na pagtanggap ng mga Filipino sa Vietnam kay Pangulong Duterte. Bukas ng gabi uuwi si G. Duterte sa paglalakbay pabalik sa Davao City. Napipinto rin siyang dumalaw sa Tsina at Japan sa susunod na buwan. (Malacanang Photos)
NAGING mainit ang pagtanggap ng Pamahalaan ng Vietnam sa pagdalaw sa State Palace kaninang ika-sampu at kalahati ng umaga. Sinalubong siya ni State President Tran Dai Quang sa pamamagitan ng military honors.
Nauna rito ay nag-alay siya ng mga bulaklak sa National Monument for Heroes and Martyrs sa Ha Noi.
Pag-uusapan nila ni rime Minister Nguyen Xuan Phuc ang mga isyung namamagitan sa dalawang bansa. Makakaharap din niya si Secretary General Nguyen Phu Throng ng Communist Party of Viet Nam.
Lilipad pabalik sa Davao City si Pangulong Duterte bukas ng gabi.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |