|
||||||||
|
||
Benta ng mga sasakyan, patuloy na tumaas
NAGKAROON ng 31,451 mga sasakyan ang nabili noong nakalipas na Setyembre at kiantagpuan ng 16.2% increase sa benta noong Setyembre 2015.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Incorporated, tumaas ang benta ng mga kotseng pampasahero at umabot sa 12,110 unit at mas mataas ng 13.1% kung ihahambing sa benta noong Setyembre 2015. Tumaas din ito ng 8.7% sa benta noong nakalipas na Agosto.
Ang commercial vehicles naman ay lumago rin ng 18.2% sa paghahambing sa performance noong Setyembre 2015 subalit bumaba ng 9.4% sa benta noong Agosto.
Lumakas ang benta dahil sa maraming modelong pinagpipilian at magandang financial packages, dagdag pa ni Atty. Gutierrez.
Mula unang araw ng Enero 2016 hanggang kahapon umabot sa 216,370 units ang nabenta. Nangunguna pa rin ang Toyota na may 43.78% market share. Pangalawa ang Mitsubishi Motors na nagkaroon ng 17.34% samantalang pangatlo naman ang Ford Motors Philippines na mayroong 9.56%. Pang-apat ang Isuzu Philippines na mayroong 7.47% at Honda Cars na mayroong 6.51%.
Mula 60 hanggang 65% ng mga bagong sasakyan ang naglalakbay sa Metro Manila ayon sa mga dalubhasa sa larangan ng transportasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |