|
||||||||
|
||
Low Pressure Area, binabantayan
ISANG low pressure area na malapit sa Surigao City ang minamatyagan sapagkat malaki ang posibilidad na maging isang bagyo sa susunod na tatlong araw.
Huling nakita ang low pressure area may 990 kilometro sa silangan ng Surigao City. Magdudulot ito ng maulap na kalangitan na mayroong banayad hanggang sa malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat sa silangang Kabisayaan at maging sa Caraga.
Ayon sa PAGASA, posible ring magkaroon ng dagliang pagbaha at pagguho ng lupa.
Kung magpapatuloy at maging isang ganap na bagyo sa loob ng 24 hanggang 72 oras at makikilala ito sa pangalang "Karen."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |