|
||||||||
|
||
Pilipinas at Australia, magsasagawa ng pagsasanay
TATAGAL ng 12 araw ang joint training exercises ng hukbong dagat ng Pilipinas at Australia upang mapalakas ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Kilala sa pangalang Exercise Lumbas 2016, sinimulan ito kahapon sa Naval Forces Cebu at magtatapos sa ika-21 ng Oktubre.
Ayon kay Exercise Lumbas public affairs officer Lt. Bennet Christian Nuevarez, tatlong barko mula sa Pilipinas, ang BRP Abraham Campo, BRP Batak at BRP Agta at dalawang barko ng Australia ang HMAS Larrakia at HMAS Glenelg ang kalahok sa pagsasanay.
Gagawin ang mga pagsasanay sa Camotes Sea sa hilagang bahagi ng Cebu samantalang ang tabletop exercises ay gagawin sa Naval Forces Central headquarters sa Toledo City.
Inanyayahan din ang mga kinatawan ng pamahalaan mula sa Regional Maritime Group, Philippine Coast Guard, NICA, Bureau of Quarantine at iba pang tanggapan upang sumaksi sa pagsasanay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |