![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kasunduan ng Pilipinas at Vietnam noong 1976 sinariwa
PANGULONG DUTERTE, BINIGYAN NG PARANGAL. Makikita sa larawan si Pangulong Duterte ng Pilipinas at Pangulong Tran Dai Huang na nagbibigay-galang sa mga watawat sa military honors na iginawag sa kanya sa pagdalaw sa Palasyo ng Pangulo ng Viet Nam. (Malacanang Photo)
GINUNITA nina Pangulong Rodrigo Duterte at State President Tran Dai Quang ang kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa noong 1976. Sa kanilang joint statement, binanggit ni Pangulong Duterte na sa paanyaya ng pamahalaan ng Vietnam, dumalaw siya noong Miyerkoles hanggang kahapon.
Sa kanyang pagdalaw, nagbigay galang si G. Duterte sa Bantayog ng mga Bayani at Martir, nakipag-usap din kay Pangulong Tran, dumalaw kay General Secretary NguyenPhu Trong at nakausap din si Prime Minister Nguyen Xuan Phuc at dumalo rin sa isang state banquet na pinamunuan ni Pangulong Tran. Nakausap din niya ang mga namumuno sa Vietnamese Business Community.
Magugunitang noong 1976, lumagda ang dalawang bansa sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko. Nakita ang paglago ng relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa iba't ibang larangan.
Noong nakalipas na Nobyembre, lumagda ang Pilipinas at Viet Nam sa isang Strategic Partnership upang itaas ang antas ng bilateral exchanges at sa pagsusulong ng interes.
Nagkasundo ang dalawang bansa na ituloy ang pagpapalitan ng high-level at mga pagdalaw ng magkabilang-panig upang ipatupad ang nilalaman ng 9th Joint Commission on Bilateral Cooperation sa Foreign Minister Level na gagawin sa Pilipinas sa susunod na taon.
Napagkasunduan ang pagtatatag ng anim na taong Action Plan mula sa 2017 hanggang 2022 upang mapalalim pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Napuna ng dalawang pinuno ng bansa ang lumalagong kalakalan at investment. Magtutuon sila ng pansin sa larangan ng pagsasaka, food processing, turismo, mga pagawaing-bayan at palalawigin pa ang Memorandum of Agreement on Rice Trade at pupulungin ang 2nd Joint Commission on Trade.
Sa pagtatapos, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang kanyang Vietnamese counterparts sa mainit na pagtanggap sa kanya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |