|
||||||||
|
||
melo
|
Nagkaroon ng makabuluhang pag-uusap ang dalawang pinuno sa mga isyung mahahalaga sa magkabilang-panig. Nakaharap din ni G. Duterte sina Li Keqiang, ang premier ng State Countil, si Zhang Dejiang, chairman ng standing committee ng National People's Congress. Nag-usap din sina Zhang Gaoli, vice premier ng state council. Dumalo rin si G. Duterte sa pagbubukas ng Philippines-China Economic and Investment Forum at nagtalumpati.
Kinilala ng magkabilang-panig ang matagal ng pagkakaibigan ng dalawang lahi at nagkasundong isulong ang higit na pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan.
Mula ng itatag ang relasyong diplomatiko sa pagitan ng dalawang bansa, higit na gumanda ang relasyon sa maraming larangan ng pagtutulungan na pinakinabangan ng magkabilang-panig.
Pasisiglahin pa ang Philippines-China bilateral relations na ang sandiga'y paggalang sa isa't isa, katapatan, pagkakapantay at kapwa kapakinabangan na mahalaga sa payapang kaunlaran, katatagan at iba pa.
Itutuloy pa rin ang pagpapahalaga sa Philippines-China Joint Communiqye noong 1975 na kinabibilangan ng payapang paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan at ang pagsunod sa "One-China Policy."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |