|
||||||||
|
||
Mambabatas, humiling ng imbestigasyon sa foreign policy ng bansa
HINILING ni Magdalo Congressman Gary Alejano na magkaroon ng pagtatanong ang Mababang Kapulungan sa tila tali-taliwas na foreign policy statements ni Pangulong Duterte.
Sa kanyang Resolution No. 483, sinabi ni Alejano na kailangang pagbalik-aralan at suriin ng angkop na komite ang foreign policy posture ng pamahalaang Duterte upang masuportahan ang tunay na malayang foreign policy.
Mahalaga, ani Congressman Alejano, na suriin at pagbalik-aralan ang sinasabi ng pangulo upang makasuporta ang mababang kapulungan.
May pagkakataong ang mga pahayag ng pangulo ay taliwas sa pahayag ng kanyang gabinete. Inihalimbawa niya ang sinabi ni G. Duterte na dapat pag-aralan ang EDCA sapagkat walang lagda si Pangulong Aquino ang kasunduan, sinabi naman ni Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na hindi na kailangan pa sapagkat sumang-ayon ang Korte Suprema sa legalidad nito.
Idinagdag pa ni Congressman Alejano na sinabi ni G. Duterte na magkakaroon ng madugong digmaan kung hindi igagalang ng Tsina ang soberenya ng Pilipinas subalit sinabi naman kay Ambassador Zhao Jianhua na handa siyang isa-isangtabi ang desisyon ng international tribunal upang huwag mahadlangan ang bilateral talks.
Nabanggit din ni Congressman Alejano na nasabi ni G. Duterte noong Setyembre na nais na niyang umalis ang mga kawal na Americano sa Mindanao subalit ipinaliwanag na nais niya ito upang maligtas ang mga kawal sa mga kalabang Muslim ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |