|
||||||||
|
||
Sektor ng mga mambabatas, pinuri ang pagkalas ni G. Duterte sa Estados Unidos
IKINATUWA ng mambabatas na kabilang sa Makabayan bloc ang desisyon ni Pangulong Duterte na kumalas na sa Estados Unidos samantalang pahahalagahan ang relasyon at pakikipag-alyasa sa Tsina at Russia.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na maganda ang naging desisyon ni G. Duterte na lumayo sa kontrol ng America sa Pilipinas.
Ani Zarate ang mga tratado at kasunduan sa Estados Unidos na kinabibilangan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ay pabor sa America. Puwersahang lumagda ang Pilipinas sa mga kasunduang ito mula pa noong Bell-Trade Act hanggang sa EDCA. Isang magandang pagkilos ang ginawa ni G. Duterte, dagdag pa ni Congressman Zarate.
Sa panig ni Kabataan Party List Congressman Sarah Jane Elago, nakalaya ang Pilipinas sa pagkakahawak ng Estados Unidos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |