|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, dadalaw naman sa Japan
NAKATAKDANG maglakbay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungong Japan sa Martes hanggang sa Huwebes, ika-25 hanggang ika-27 ng Oktubre upang makausap si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at makadalaw kay Emperador Akihito at Empress Michiko.
Sa isang briefing sa Malacanang kanina, sinabi ni Japanese Deputy Chief of Mission Atsushi Ueno dadalaw si G. Duterte sa Japan sa paanyaya ni Prime Minister Abe. Makakusap niya ang mga Filipino sa Japan at ang mga mangangalakal ng bansa.
Isang summit meeting ang magaganap sa dalawang pinuno ng bansa. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng hapunan sa karangalan ni Pangulong Duterte. Pamumunuan ito ni Prime Minister Abe.
Dadalaw din si Pangulong Duterte sa Imperial Palace sa ika-27 ng Oktubre sa ganap na ika-lima ng hapon upang magbigay galang kay Emperador Akihito.
Nagbabalak din siyang dumalaw sa Japan Marine United Corporation na gumagawa ng mga sasakyan ng Philippine Coast Guard. Nadala na ang isang sasakyang-dagat at nagkaroon na ng turn-over ceremonies kamakailan. Makikita ni G. Duterte ang kumpanyang gumagawa ng mga sasakyang-dagat. Nasa Yokohama City ang pagawaan.
Magaganap ang pagdalaw sa Emperador at Empress ng Japan bago bumalik sa Pilipinas si G. Duterte.
Ani G. Ueno, uulitin nila ang kanilang pangako sa pamamagitan ng strategic partnership sa pamamagitan ng pagdalaw ng pangulo ng bansa. Nakadalaw na siya sa Japan ng ilang ulit. Ito ang ikalawang summit meeting sa pagitan nina G. Duterte at Prime Minister Abe sa pagpupulong sa Vientian, Laos noong nakalipas na Setyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |