|
||||||||
|
||
Mga kawal na Amerikano, dumating na sa Mindanao
SA likod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang umalis na sa Mindanao ang mga kawal na Americano, dumating na ang mga kapalit ng mga umalis kamakaialan.
Ayon sa mga balitang mula sa Mindanao, sinabi ni Lt. General Mayoralgo dela Cruz, commanding general ng Western Military Command na may ilang mga kawal na lumisan noong nakalipas na linggo at dumating rin ang kanilang kapalit.
Normal na pagpapalitan ng mga kawal ang nagaganap sa Mindanao. Ang mga umalis ay mga US Marines at pinalitan naman ng US Army troppers. Dinala na rin ng US Marines ang kanilang kagamitan.
May 107 mga kawal na Americano sa Zamboanga City ayon sa balitang lumabas sa Philippine Daily Inquirer.
Nasa loob ng isang maliit na kampo sa loob ng kampo ng Armed Forces of the Philippines ang mga Amerikano at nagsasanay ng mga kawal na Filipino sa humanitarian at medical evacuation.
Kung magkakaroon ng anumang kautusang lumisan sila ay unang makababatid ang mga nasa Maynila.
Sinabi na ni Pangulong Duterte na kailangang umalis na ang US special forces sapagkat lalong humirap ang situwasyon sa Mindanao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |