|
||||||||
|
||
161025melo.mp3
|
Pangulong Duterte, umalis na patungong Japan
LUMISAN si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Japan upang mangalap ng kalakal at suporta sa kanyang infrastructure projects at increased marine cooperation.
Sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport, sinabi ni G. Duterte na makakausap niya ang business leaders ng Japan at sasabihang handa na ang Pilipinas makipagkalakal.
Kailangan ang kooperasyon sa infrastructure development sa pagkakaroon ng de kalidad at makabagong public transportation.
Layunin din niyang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. Dadalaw din siya kay Emperador Akihito bilang pagpapahalaga sa pagtutulungang nag-uugat sa paggalang at pakikiisa.
Makakausap din niya si Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Isa ang Japan sa pinagkukunan ng pinakamalaking Overseas Development Assistance (ODA). Sa pamamagitan ng JICA (Japan International Cooperation Agency), nakapagtayo sila ng leadership academy sa Maguindanao na kinalalagyan ng Moro Islamic Liberation Front.
Malamang na umabot sa US$ 48.2 milyon o ¥ 5 bilyon ang makakamtan sa pag-uusap nina G. Duterte at G. Abe.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |