|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1/2 ulo ng repolyo, hinimay sa katamtamang laking mga piraso
2 cloves o butil ng bawang, ginayat
5-7 pinatuyong red chili peppers, hiniwa sa 2-3 piraso
Ilang butil ng peppercorns
Suka
1/2 kutsarita ng chicken essence powder
1/2 kutsarita ng asukal
1/2 kutsarita ng asin
Cooking oil para sa paggisa
Paraan ng Pagluluto
Hugasan at patuluin ang hinimay na repolyo.
Mag-init ng cooking oil sa kawali at igisa ang bawang, peppercorns at ang pinatuyong red chili peppers. Bawasan ang apoy at halu-haluin. Idagdag ang repolyo kapag nagbago na ang kulay ng bawang. Ituloy pa ang paghahalo. Pag nagbago na ang kulay ng repolyo, ibuhos ang suka sa gilid ng kawali, hindi direkta doon sa repolyo. Haluing mabuti. Siguruhin na magiging pantay ang pagkakagisa ng lahat ng sangkap. Idagdag ang asukal at haluin nang kaunti tapos ilagay ang asin at chicken essence powder.
Pagkaraan niyan, puwede nang ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |