|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
50 grams ng patatas
50 grams ng cucumber
50 grams ng cabbage o repolyo
50 grams ng carrot
50 grams ng mushrooms
50 grams ng kamatis
50 grams ng ketchup
5 grams ng asin
2 grams ng vetsin
3 grams ng asukal
50 grams ng cooking oil
Paraan ng Pagluluto
Talupan ang mga patatas at alisan ng buto ang cucumbers. Hiwahiwain ang cabbage, mushrooms, mga patatas, pipino at kamatis.
Initin ang cooking oil sa kawali at lagyan ng ketchup. Haluhaluin hanggang sa pumula ang cooking oil. Ihulog ang nabanggit na mga gulay at lagyan ng 750 grams ng tubig tapos hayaang kumulo sa malakas na apoy. Pagkulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 5 to 6 minutes hanggang lumambot ang patatas. Timplahan ng asin, vetsin at asukal. Isalin sa serving bowl at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |