|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
4 na talong, hinugasan at tinadtad
1 katamtamang laking sibuyas, ginayat nang manipis
6 na kamatis, inalisan ng buto at ginayat nang pino
4 na butil ng bawang, dinikdik
1 kutsarita ng oregano, pinitpit
2 kutsara ng katas ng lime
1/2 kutsarita ng asin
1/2 kutsarita ng pamintang durog
4 na kutsara ng cooking oil
Paraan ng Pagluluto
Initin ang mantika sa isang kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Medyo durugin ang kamatis sa paggisa. Takpan ang kawali sa loob ng 1 minuto. Idagdag ang mga tinadtad na talong, haluhaluin at takpan sa loob ng 5 minuto. Ilagay ang asin, pamintang durog at ang pinitpit na dahon ng oregano tapos ibuhos ang katas ng lime. Haluhaluing mabuti at takpan sa loob pa ng 10 minuto. Pagkaraan, puwede nang ihain. Mas mabuti kung maihahain pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |