|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng pork loin
2 grams ng siling haba
5 grams ng luya, ginayat
5 grams ng scallion, ginayat nang pino
5 grams ng suka
5 grams ng bawang, tinadtad
5 grams ng soy sauce
10 grams ng shaoxing wine
10 grams ng vetsin
5 grams ng asin
1 itlog, puti lang ang gagamitin
10 grams ng tuyong cornstarch
5 grams ng mixture of cornstarch and water
100 grams ng cooking oil
Paraan ng Pagluluto
Hiwa-hiwain ang pork loin sa mga pirasong 0.8 centimeter ang haba, lapad at kapal. Lagyan ng 2 grams ng asin, tuyong cornstarch at puti ng itlog tapos haluing mabuti. Hiwa-hiwain din ang siling haba sa mga pirasong 3 centimeters ang haba.
Sa isang mangkok, ilagay ang vetsin at ang natitirang asin bago buhusan ng shaoxing wine, mixture of cornstarch and water, suka at soy sauce para sa sarsa.
Initin ang cooking oil sa kawali at igisa ang mga piraso ng pork loin hanggang magkulay brown. Magtira sa kawali ng 20 grams ng cooking oil na ginamit na panggisa sa pork loin tapos igisa ang scallion, luya, bawang at siling haba hanggang lumutang ang bango. Ibuhos ang sauce bago isama ang mga piraso ng pork loin. Haluing mabuti. Isalin sa plato at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |