Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum, idinaos sa malaparaisong bayan ng Panxian

(GMT+08:00) 2016-11-25 16:29:31       CRI

Idinaos noong Nobyembre 17, 2016 sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina ang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF).

Sa kanlungan ng nagagandahang burol, dalisay na ilog at kaakit-akit na kalikasang nababalutan ng malamig at kaaya-ayang ulap, dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga opisyal ng Guizhou, opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Beijing, mga diplomata ng iba pang bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), mga mangangalakal na Tsino at ASEAN, at mga media.

Sa preskon kasama ang mga mamamahayag ng China Radio International (CRI), ipinahayag ni Fu Guoxiang, Chairman ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Bayan ng Panxian na malaking pakinabang ang maidudulot ng CAIPCCF sa relasyon ng mga mamamayang Tsino at ASEAN.

Ani Fu, mabuti ang naturang porum sa paggawa ng mga plano sa hinaharap upang palakasin ang relasyong ekonomiko sa pagitan ng Bayan ng Panxian at ASEAN, at buong Tsina at ASEAN.

Sa pamamagitan ng nasabing porum, maitatayo aniya ang mekanismo ng kooperasyon hinggil sa turismo, impastruktura, transportasyon, at pagmimina ng mga mineral, upang bigyan ng malaking benepisyo ang mga mamamayang Tsino at ASEAN.

Dagdag pa ni Fu, kabilang sa mga bentahe ng Bayan ng Panxian na magiging napakaimportante para sa pagtatayo ng matibay na kooperasyon sa mga bansang ASEAN ay una: likas na yaman ng Bayan ng Panxian sa ibat-ibang mineral: maaaring suportahan ng likas na yamang ito ang pangangailangan sa pag-unlad ng mga bansang ASEAN, dagdag niya.

Pangalawa, mataas na teknolohiya ng Panxian sa larangang agricultural: karamihan aniya sa mga bansang ASEAN ay mga bansang agrikultural, kaya naman malaki ang espasyo sa pagkakaroon ng kooperasyon ng dalawang panig sa larangang ito.

Ito rin aniya ay isang mahalagang bentahe ng bayan na makakatulong sa pagpapaunlad ng agrikultura ng mga bansang ASEAN.

Ikatlo, estratehikong lokasyon ng Panxian sa mga bansang ASEAN: ani Fu, ang Panxian ay daanan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at para sa mga mamamayang ASEAN na gustong bumisita at magnegosyo sa Tsina, ang Panxian ay isang napakagandang panimulang lugar, dahil ito ay nasa estratehikong lokasyon, at may magagandang tanawin.

Sinabi rin niya, na sa pamamagitan ng Panxian, magkakaroon ng mas madaling akses ang mga Tsino sa mga bansang ASEAN.

Ani Fu, ang mga Tsinong mula sa Mainland na gustong magbiyahe at magnegosyo sa mga bansang ASEAN ay maaaring magmaneho patungo sa Panxian, at mula rito, maaari silang sumakay ng highspeed rail upang makarating sa patutunguhan.

Fu Guoxiang

Sa pamamagitan ng mga ito, inaasahang magkakaroon ng malaking benepisyo at malakas na relasyon ang mga Tsino at mga mamamayan ng ASEAN, dagdag ni Fu.

Espasyo ng kooperasyon ng Pilipinas at Tsina, malaki

Dumalo sa China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum sa Tuole County, Bayan ng Panxian si Rhenita Rodriguez, Minister Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing.

Rhen Rodriguez - Larawan ni Li Shukun

Sa kanyang talumpati, sinabi niyang lubhang napakalaki pa ng espasyo para sa pag-unlad ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.

Aniya, noong 2015, ang kabuuang trade sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay umabot sa mahigit USD17 bilyong dolyar; dahil dito ang Tsina ang naging ikalawang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.

Ang Tsina rin aniya ang ikatlong pinakamalaking partner ng Pilipinas sa export commodities at pinakamalaking trading partner ng Pilipinas sa import commodities.

Dagdag pa niya, ang Foreign Direct Investment (FDI) ng Pilipinas sa Tsina noong 2015 ay umabot sa USD 39 milyong dolyar, samanatalang ang FDI naman ng Tsina sa Pilipinas ay nasa USD 23.71 milyong dolyar.

Ayon dito, makikitang mas malaki aniya ang FDI ng Pilipinas sa Tsina, kaysa FDI ng Tsina sa Pilipinas, kaya lubhang malaki pa ang espasyo ng pagpapasulong sa pag-unlad ng kooperasyong pang-negosyo ng dalawang panig.

Umaasa aniya siyang sa mga susunod na buwan, marami pang kompanyang Tsino ang maglalagak ng negosyo sa Pilipinas.

Pagdating naman sa turismo, pinipili ng patuloy na dumaraming Tsino ang Pilipinas bilang kanilang destinasyon tuwing bakasyon, ani Rodriguez.

Sinabi pa niyang noong 2015, ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsinong nagpunta sa Pilipinas ay tumaas nang halos 25% kumapara sa bilang noong nakaraang taon.

Dagdag niya, mula noong Enero hanggang Agosto 2016, ang mga Tsino ang siya nang naging ikatlong pinakamaraming bumisita sa Pilipinas, sunod sa mga Koreano at Amerikano.

Ito aniya ay dahil sa mabilis na pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas na may pangkaraniwang paglaki na 5.9% nitong nakalipas na 5 taon, simpleng proseso ng paglalagak ng negosyo sa bansa, malaking domestikong pamilihan, bata at highly-skilled na lakas-manggagawa, mainit na pagtanggap sa mga bisita, likas na pagiging mabait ng mga Pilipino, dekalidad na health care at marami pang iba.

Ipinagmalaki rin ni Rodriguez ang bentahe ng Pilipinas sa Business Process Outsourcing (BPO), economic zones, at freeports, kung saan magkakaroon ng preperensyal na trato ang mga kompanyang Tsino.

Aniya, sa mga sonang ito, mayroong sapat na imprastruktura, at magbibigay din ng fiscal at non-fiscal incentive ang pamahalaan ng Pilipnas sa mga kompanyang nagnanais maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Ang Pilipinas din aniya ay matatagpuan sa napakagandang lokasyon, at mula rito, ang mga kompanyang Tsino ay magkakaroon ng estratehikong posisyon upang makapagsagawa ng negosyo sa buong timog-silangang Asya, rehiyong Asya-Pasipiko at iba pang bahagi ng mundo.

Aniya, ang Pilipinas ay determinadong magbigay ng paborableng kondisyon para sa paglalagak ng negosyo, tulad ng liberal na polisiya at regulasyon sa FDI, at pagbubukas ng mga industriyang tulad telekomunikasyon, transportasyon, pagbabangko, retail at marami pang iba sa mga dayuhang puhunan.

Sinabi ni Rodriguez na kabilang sa mga sektor na binibigyang priyoridad ng Pilipinas ay ang manufacturing, agri-business at pangingisda, serbisyo, murang pabahay, healthcare, enerhiya, pampublikong imprastruktura, lohistika, at public-private partnership.

Bukod sa mga ito, sinabi pa niyang maraming negosyo ang naghihintay para sa mga negosyanteng Tsino, at kabilang sa mga ito ang manufacturing at assembly ng mga bahagi ng bisikleta, e-vehicle para sa pampublikong transportasyon, light vehicle, trak at bus; manufacturing ng mga high-end garment tulad ng bag, at non-polluting na mga tela; pagpoproseso ng mga high-value na pagkain at pagkaing-dagat; component manufacturing at assembly ng mga photovoltaic na produkto; paggawa ng mga gamit sa konstruksyon at marami pang iba.

Aniya, ngayon na ang pinaka-magandang panahon para maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Isa sa mga paanunsyo ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum Tuole na nakapaskil sa maraming lugar ng Panxian

Seremnya ng pagbubukas ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum Tuole - Larawan ni Li Shukun

 

Hagdan-hagdang palayan ng Panxian

 

 

 

Panxian, pagsapit ng gabi

 

Paglubog ng ginintuang araw sa damuhan

Kabundukang nababalot ng ulap

Ginintuang daanan sa damuhan

Windmill na tila ba'y yakap ng ginintuang araw

Abot-kamay na ulap

Takip-silim sa kabundukan ng Panxian

 

 

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>