|
||||||||
|
||
20161205Meloreport.mp3
|
Nagbitiw na si Pangalawang Pangulong Leni Robredo (gitna) sa gabinete ni Pangulong Duterte. Kuha ang larawang ito ng maging panauhing pandangal ng Tapatan sa Aristocrat noong ika-apat na Hulyo. Matapos siyang dumalo sa Tapatan, tumuloy na siya sa Malacanang at nag-usap ni Pangulong Duterte na nag-alok ng posisyon bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council. (File Photo/Tapatan sa Aristocrat)
UMALIS na sa kanyang tungkulin bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council si Vice President Leni Robredo matapos makatanggap ng text message mula kay Cabinet Secretary Jun Evasco noong Sabado ng gabi. Napapaloob sa text message na hindi na papayagang makadalo sa cabinet meeting ang pangalawang pangulo.
Pumutok ang balita ng pagbibitiw kagabi.
Kanina, sa Malacanang, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi niya inaasahan ang pag-alis ni Bise Presidente Robredo sa gabinete ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng housing cluster.
Sa kanyang maiksing panahon bilang chairperson ng HUDCC, sinabi ni G. Andanar na naipagtanggol niya ang interes ng ahensyang mangangasiwa sa housing programs ng pamahalaan.
Nalulungkot umano siya sa pagtatapos na ito. Nagulat umano si G. Andanar sa paglisan ni Pangalawang Pangulong Robredo sa kanyang tanggapan. Marami pa umanong nararapat gawin sa HUDCC lalo pa't tuloy ang hinaing ng mga mamamayang wala pang tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |