|
||||||||
|
||
Senador de Lima, nanawagang magpakatotoo sina Dayan at Espinosa
NANAWAGAN si Senador Leila de Limasa kanyang dating bodyguard na si Ronnie Dayan at drug lord na si Kerwin Espinsosa na magsabi ng katotohanan sa pagdinig ng Senado.
Kailangan umanong magsabi ng totoo na hindi magkakilala ang dalawang resource persons sa pagdinig ng Senado kanina.
Binanggit ni Espinosa na nagpadala siya ng protection money kay De Lima sa pamamagitan ni Dayan.
Sa pahayag ni Senador de Lima sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, mayroong mga 'di pagkakatugma sa mga pahayag nina Dayan at Espinosa. Iginiit ni De Lima na 'di magkakilala silang dalawa.
Idinagdag pa ng senador na batid niya ang dahilan kung bakit siya ang itinuuturo sa illegal drugs at napatawad na niya ang mga ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |