Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Vice President Robredo, nagbitiw sa pagiging kalihim

(GMT+08:00) 2016-12-05 18:34:00       CRI

Mga katutubo, napapabayaan

Sinabi ni Sr. Thea Bautista, FMM, (kaliwa) directress ng isang paaralan sa Occidental Mindoro na hindi pa nakararating ang kaunlaran sa kanayunang kinalalagyan ng mga katutubo.  Kahit ang farm-to-market roads ay 'di pa naaayos.  Na sa larawan din si Marvin Aztoresa, isang Agtang guro mula sa General Luna, Quezon at Atty. Girlie De Guzman, executive director ng Panlipi.  (Melo M. Acuna)

KAHIT pa pinagtatangkaan ng pamahalaan na maganap ang inclusive growth sa bansa, naiiwan pa rin ang mga katutubo na umaabot sa 17 milyon katao sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ito ang lumabas sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kanina, sinabi nina Atty. Girlie de Guzman, executive director ng isang legal advocacy non-government organization, Sr. Thea Bautista, directress ng isang paaralan sa Mindoro Occidental at Marvin Aztoresa, na isang guro sa General Nakar, Quezon na dama pa rin ang kahirapan sa kanayunang kinalalagyan ng mga katutubo.

Bukod sa pangangailangang serbisyo ng pamahalaan, naiiwanan din ang programang mag-aangat sa kanila. Edukasyon ang nararapat bigyang-pansin sa paglipas ng panahon sapagkat hindi nakakapagtayo ng mga paaralan sa mga liblib na pook ng bansa. Kung sakali mang magkaroon ay mga baguhang guro ang ipinadadala sa kanayunan.

Bukod rito ang problema na Martes na dumarating ang mga guro at umuuwi na sa kanilang mga tahanan pagsapit ng Huwebes.

Sa panig ni Marvin Aztoresa, isang katutubo mula sa General Nakar, na nahahati ang mga kasama niya pagpasok ng mga proyekto ng pamahalaan tulad ng pagtatayo ng mga dam upang magkaroon ng patubig sa Metro Manila.

Binanggit din ni G. Aztoresa na may mga katutubong nakukumbinseng kailangan ang mga proyektong ito subalit naniniwala silang walang patutunguhan kung magkakaroon ng relokasyon sapagkat nasa kabundukan ang kanilang mga libingan at kabuhayan.

Ipinaliwanag ni Atty. Girlie de Guzman na mayroong batas, ang Indigenous People's Rights Act na nagpapatunay na pinahahalagahan ng pamahalaan ang mga katutubo at ang kanilang iniaambag sa lipunan. Nagkakaroon lang ng problema sapagkat may mga pagkakataong hindi kinikilala ng mga alagad ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga katutubo.

Mayroon ding papel ang Simbahan sa mga katutubo. Ito naman ang sinabi ni Bb. Nemia Gareza ng Episcopal Commission in Indigenous Peoples sa paglipas ng mga taon. Dumating na rin ang pagkakataong napapag-initan ng mga kawal at pulis ang kanilang ginagawang pagkilos sa kabundukan. Niliwanag din ni Bb. Gareza na higit na apektado ang mga naglilingkod sa mga lalawigan kaysa sa mga na sa national office sa Kamaynilaan.

Ikinalungkot ni Sr. Thea na kahit pa anong balitang napapaunlad ang mga kanayunan ay naghihintay pa sila ng mga pag-aayos ng mga lansangang patungo sa tinitirhan ng mga mamamayang nalilimutan na ng pamahalaan.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>