Investor visa ni Jack Lam, ipinakakansela
NAG-UTOS na ang Department of Justice sa Bureau of Immigration na kanselahin na ang investor visa ng gaming tycoon na si Yi Lok Lam na kilala sa pangalang Jack Lam.
Nag-utos na rin ang Department of Justice sa Bureau of Immigration na ilagay si Jack Lam sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) kahit may balitang nakalabas na ng bansa si Lam noong Martes, ika-29 ng Nobyembre. Umalis si Lam patungong Hong Kong sakay ng Cathay Pacific bago pa man ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagdakip sa kanya sa kasong economic sabotage.
Ayon kay Atty. Maria Antonette Mangrobang, taga-pagsalita ng Bureau of Immigration na ipinatutupad na nila ang kautusan ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
1 2 3 4 5