|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
8-10 green chili peppers, tumitimbang ng mga 350-400 grams
Para sa Seasoning
2-3 butil ng bawang, tinadtad
Sibuyas na mura, tinadtad
Asin
Chicken essence
Soy sauce
Suka
Cooking oil
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang green chili peppers. Tanggalin ang tangkay. Hiwain nang pahaba sa gitna tapos tanggalin ang mga buto.
Initin ang mantika sa kawali. Isa-isang ilagay ang chili peppers gamit ang chopsticks. Igisa sa loob ng ilang segundo tapos hanguin at itabi muna.
Mag-init ng mantika sa kawali. Ikalat ang mantika. Ilagay ang bawang at sibuyas na mura tapos igisa sa loob ng 20 seconds sa malakas na apoy. Idagdag ang asin, chicken essence, soy sauce at suka. Ituloy pa ang paggisa sa loob ng 10 seconds. Ibuhos ang green chili peppers tapos takpan at hayaang kumulo sa loob ng 2-3 minutes sa katamtamang apoy hanggang ang seasoning liquid ay mahalo nang mabuti sa green chili peppers. Pagkaraan niyan, puwede nang ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |