|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 grams ng flavored dried tofu
150 grams ng celery
2 stalks ng spring onion
2 kutsarita ng cooking wine
Asin, vetsin at chili peppers, ayon sa panlasa
2 kutsara ng vegetable oil
Paraan ng Pagluluto
Hiwa-hiwain nang manipis ang tofu. Tanggalan ng mga dahon at ugat ang celery at hugasan nang mabuti ang mga tangkay. Hiwa-hiwain ang mga tangkay nang pa-crosswise at maikli at pakuluan sa loob ng isang minuto. Hanguin at patuluin pagkaraan.
Hugasan ang spring onion at tadtarin nang pino. Initin ang 2 kutsara ng vegetable oil sa kawali tapos igisa ang chili peppers. Idagdag ang spring onion at ituloy pa ang paghahalo hanggang sa lumutang ang bango. Isama ang celery at ituloy ang paghahalo sa loob ng 2 minutes. Isunod ang dried tofu at ituloy pa rin ang paghahalo sa loob ng 2 minutes. Timplahan ng cooking wine, asin at vetsin. Ilipat sa serving dish at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |