|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 malaking hilaw o lutong alimango
3 punong kutsara ng breadcrumbs
1 tuyong black mushroom, ibinabad at hinimay
1 sibuyas na mura o spring onion, tinadtad
1 kutsara ng celery, tinadtad
1/2 kutsara ng asin
Puting pamintang durog
Ilang patak ng sesame oil
1 itlog, binati nang kaunti
1 kutsara ng harina
Cooking oil
Paraan ng Pagluluto
Kung hilaw na alimango ang gagamitin, pakuluan muna sa loob ng 10 minutes. Pagkaluto, maingat na tanggalin ang shell sa likod at itabi muna. Tanggalin ang lahat ng laman sa katawan, mga paa at mga sipit ng alimango. Huwag isasama ang mga bony tissue. Durugin nang pinung-pino ang laman at ihalo sa seasoning at itlog. Hati-hatiin ang mixture at isiksik mabuti sa mga crab shell tapos budburan ng harina sa ibabaw.
Mag-init ng mantika sa kawali at sa loob ng 1-2 minutes, iprito ang pinalamanang crab shells hanggang magkulay brown. Sa pagpiprito, iyong parteng may harina ang dapat nasa ilalim. Ihaing may kasamang chili sauce.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |