HINILING ni Senador Panfilo Lacson sa Philippine National Police na bumuo ng isang hiwalay na task force na magsisiyasat sa higit sa 3,000 deaths under investigation mula noong Hulyo sapagkat isang malaking problemang 'di nalulutas samantalang ipinagpapatuloy ang kampanya laban sa droga.
Sa isang media forum, sinabi ng senador na may 3,671 mga DUI ang naitala noong Hulyo hanggang noong nakalipas na Lunes. Ito ay mula sa 6,000 mga napaslang na halos kalahati ng mga drug suspect na napatay sa anti-drug operations.
Ipinaliwanag pa ni G. Lacson na 785 lamang sa mga DUU o 21.4% ang nalutas.
1 2 3 4