Higit sa kalahati ng mga Filipino ang naniniwalang masama ang mga pagmumura ni Pangulong Duterte
LUMABAS sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na 51% ng mga Filipino ang naniniwala ang pagmumura ni Pangulogn Duterte sa mga lider ng ibang bansa ay makasasama sa relasyon ng Pilipinas.
Sa survey na ginawa sa may 1,500 mga nasa edad na Filipino mula noong ikatlo hanggang ikalima ng Disyembre sa buong bansa ay nagsasabing nakasasama sa relasyon ng Pilipinas sa mga bansa o institusyon ng mga opisyal na namumura ni G. Duterte.
Mayroon namang 33% ang nagsabing hindi nakasasama samantalang walang tugon ang may 17%.
Ilan sa mga minura ni G. Duterte ay sina US President Barack Obama at United Nations Secretary General Ban Ki-Moon. Minura din ni G. Duterte si Pope Francis sa kainitan pa lamang ng kanyang kampanya.
1 2 3 4