Kawal, apat na sibilyan, sugatan sa hiwalay na pagsabog sa Marawi City
ISANG kawal ng Philippine Army at apat na mamamayan ang nasugatan kasunod ng hiwalay na apgsabog sa Barangay Rorogagus kahapon.
Ayon kay Lt. Col. Joselito Pastrana, commander ng 65th Infantry Battalion, naganap ang mga pagsabog samantalang isang convoy ng military trucks ang dumaan sa pook kahapon ng hapon.
Ang unang sasakyan ang tinamaan ng pagsabog na ikinasugat ng isang kawal. Isang motorsiklo ang dumaraan sa barangay at bumangga sa military truck ng bigla itong tumigil dahil sa pagsabog. Nasugatan ang tsuper ng motorsiklo at tatlo nitong mga pasahero.
Mga improvised explosive device na nilagyan ng C4 at mga pako ang pinasabog. Dinala ang mga sugatan sa Amai Pakpak Hospital upang magamot agad. Pinaniniwalaang mga kasapi ng Maute Group ang may kagagawan ng insidente.
1 2 3 4