|
||||||||
|
||
Climate change, malaki ang epekto sa sektor ng sakahan
CLIMATE CHANGE, MALAKING HAMON SA PAGSASAKA. Kailangang maghanda ang mga magsasaka at pamahalaan sa mga nagaganap na pagbabago sa klima. Ito naman ang panawagan ni Bb. Perla Baltazar ng Department of Agriculture Systems-Wide Climate Change Office. Ani Bb. Baltazar, ang nagaganap na frosting ng gulay sa Mt. Province ay nakapipinsala sa mga high-value crops na kinagigiliwan ng mga mamimili sa Kamaynilaan. (Melo M. Acuna)
UNTI-UNTING nadarama ng mga magsasaka ang pagbabago sa Klima. Naniniwala si Bb. Perla Baltazar ng Department of Agriculture na kailangang paghandaan ang mga bagyo at iba pang kalamidad na naghihintay sa madla.
Kung noong mga nakalipas na panahon ay umaabot sa 18 bagyo ang nakapapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ngayon ay nahihigitan na ito at nadagdagan ng higit na malalakas na sama ng panahon.
Ang anumang pagkakadagdag ng isang degree sa temperatura ay mangangahulugan ng kabawasan ng 10% sa kita ng isang alinmang uri ng palay na aanihin.
Dagdag na hamon sa pagsasaka ang pagbabago sa klima kaya't kailangang paghandaan ng madla ito.
Kailangang magkaroon ng adaptation technology ang pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa oras na kakitaan ng pagbabago sa panahon.
Sa larangan ng paglamig ng panahon sa Mt. Province, sinabi ni Bb. Baltazar, na mayroong epekto sa mga gulay na nakatanim ngayon. Malalanta ang mga gulay na daraanan ng biglang lamig ng panahon tulad ng nagaganap sa repolyo.
Iminungkahi ni Bb. Baltazar na kailangang makita ng madla ang mapa na ginawa ng Kagawaran ng Pagsasaka upang makapagtanim ng mga produktong mas matibay laban sa sobrang ulan, lamig, tagtuyot o matinding init.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |