|
||||||||
|
||
Archbishop Guiseppe Pinto, bumati sa ngalan ng Diplomatic Corps
IPINARATING ni Archbishop Guiseppe Pinto, ang Dean of the Diplomatic Corps ang pagbati kay Pangulong Duterte, sa mga pinuno ng Senado at Kongreso, mga kasapi ng gabinete at mga mamamayang Filipino, ang pagbati sa mga natamo sa larangan ng kalakal at pakikipagtulungan sa teknolohiya.
Walang alinmang bansa o mga mamamayan na hindi maghahangad ng kapayapaan at seguridad kaya't ang mga layuning maghari ang kapayapaan ang siyang nagbubukas ng daan tungo sa kaunlaran.
Subalit sa likod ng naganap na hagupit ng bagyong "Nina" na puminsala sa Camarines Sur, Albay at Catanduanes noong Pasko ang pumigil sa mga nakamtan ng mga nasa pamahalaang lokal at ng mga mamamayan kinabilangan ng may isang milyong nawalan ng tahanan at hanapbuhay.
Mga Filipino rin ang magtatayo ng kanilang sariling tahanan at magtutuwid ng kanilang kinabukasan sa sigla ng mga komunidad.
Ipinagpapasalamat ang tulong na ipinarating sa mga biktimang mamamayan, sa mga pasahero at mga turista na tinulungan ng national at international organizations, mga relihiyoso at volunteer workers.
Mahalaga, ani Archbishop Pinto ang kahulugan ng katagang "solidarity" sapagkat nadarama ng mga kasapi ng diplomatic corps ang nadarama ng mga mamamayan at ng kanilang mainit na pagtanggap. Napupuna rin ng diplomatic corps ang katatagan ng mga mamamayang harapin ang hamon ng buhay dulot ng kalikasan tulad ng mga kalamidad na naganap.
Nagpasalamat din si Archbishop Pinto kay Pangulong Duterte at Foreign Secretary Perfecto Yasay sa makabuluhang pakikipagtulungan. Mithi ng diplomatic corps ang kalusugan at tagumpay ng mga pinuno ng pamahalaan, dagdag pa ni Archbishop Pinto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |