|
||||||||
|
||
Hybrid Rice, tugon sa pangangailangan ng mga magsasaka
HYBRID RICE, MAHALAGA. Sinabi ni Dr. Frisco Malabanan na mahalaga ang papel ng hybrid rice sapagkat bukod sa madaragdagan ang kita ng magsasaka, madaragdagan ang supply ng bigas na kailangan ng pamahalaan. Si Dr. Malabanan ay dating opisyal ng PHILRICE at ngayo'y consultant ng SL Agritech na nagsusulong sa hybrid rice technology. (Melo M. Acuna)
MALAKI ang magagawa ng hybrid rice sa pagpapataas sa ng ani at kita ng mga magsasaka.
Ayon kay Dr. Frisco Malabanan, sa pagpasok ng hybrid rice sa mga sakahan, lumago ang ani ng mga magsasaka mula sa halos tatlong toneladang palay ay naging walong tonelada na.
Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, bagama't lumaki rin ang tinaguriang production costs, tiyak naman ang kitang mula P 50,000 hanggang P 100,000 sa bawat ektarya. Kailangan lamang madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsunod sa mga rekomendasyon ng mga dalubhasa.
Ang isang mahalagang aspeto ng pagtatanim ng palay ay ang pagkakaroon ng patubig. Sa pamamagitan ng maasahang serbisyo ng patubig, makatitiyak ang mga magsasakang makapagtatanim ng dalawang ulit sa isang taon at 'di tulad ng mga sakahang sahod-ulan.
Ipinaliwanag ni Dr. Malabanan, dating opisyal ng Philippine Rice Research Institute, na kahit pa itinatanim ang palay sa buong bansa, mas makabubuting mabatid ng madla kung aling lupa ang kailangang mapagtamnan ng palay sapagkat may mga pook sa Pilipinas na mas angkop pagtamnan ng gulay at iba pang high-value crops.
Umani na rin umano siya ng 226 kaban sa bawat entarya sa paggamit ng hybrid rice. Umabot na rin sa panahon ng pagbaha ang pagkakatanim ng hybrid rice. Ayon sa isang retiradong pulis, umabot sa pitong metriko tonelada ang kanyang ani kahit pa nalubog sa baha ang kanyang pananim sa loob ng anim na araw.
Sa Iloilo, Cagayan, Isabela nakita na ang biyayang dulot ng mga uri ng hybrid rice.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |