|
||||||||
|
||
Maraming manggagawa sa Gitnang Silangan
KARAMIHAN ng mga manggagawang Filipino ang na sa Gitnang Silangan. Ito ang sinabi ni Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac sa idinaos na "Wednesday Roundtable @ Lido" kanina.
Sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon, umaabot sa 1.8 milyong Filipino ang lumalabas ng bansa upang magtrabaho. Sa bilang na ito, may 60 hanggang 70% ng mga manggagawang Filipino ang nasa Middle East at nagtatrabaho sa larangan ng construction, medical services, hotel and restaurants at mga kasambahay.
May sapat namang mga batas hinggil sa paggawa sa mga bansang na sa Middle East. Nagkataon nga lamang na hindi kasama sa Ministry of Labor ang mga kasambahay sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, Bahrain at United Arab Emirates. Ang mga kasambahay ay saklaw ng Ministry of Interior kaya't hirap ang Pilipinas na makipag-ugnayan sa mga counterparts ng Department of Labor and Employment.
Ipinaliwanag din ni G. Cacdac na noong nakaupo pa siya bilang Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration, may 250 mga lisensya ng recruitment agencies ang nakansela samantalang ginawaran ng preventive suspension ang may 290 recruitment agencies.
Kung noon ay naniningil ang OWWA ng US$25 bilang membership sa bawat pag-alis ng mga manggagawa, ngayon ay may bisa na ang bayaring ito ng dalawang taon. Ito ang magiging garantiya para sa kanilang insurance at pagkakaroon ng salaping magagamit sa rescue at repatriation ng mga manggagawa.
Pumasok lamang ang International Organization for Migration sa paglilikas ng mga manggagawa mula sa Lebanon at kamakailan ay mula naman sa Libya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |