|
||||||||
|
||
Mga manggagawa sa ibang bansa, maraming problema
SA panig ni Mic Catuira, acting secretary-general ng MIGRANTE International, maraming problemang kinakaharap ang Overseas Filipinos. Nagmula pa ito noong 2014 ng maraming manggagawa ang 'di na tumanggap ng sahod mula sa siyam na kumpanya sa Saudi Arabia matapos bumagsak ang presyo ng petrolyo.
May mga manggagawang nakauwi na at ngayo'y nahaharap sa ibayong hamon sapagkat walang trabahong mapasukan sa Pilipinas. Nanganganib umano ang may 310,000 mga OFW sa Middle East samantalang may 7,000 naman ang nakatakdang pauwiin ng Malaysia sa kanilang paninirahan ng ilegal sa Sabah.
Karaniwang kumikita ang mga manggagawa sa construction at maging sa tahanan ng may 20 hanggang P25,000 bawat buwan. Kulang pa rin ang serbisyong kailangan ng mga manggagawa sa ibang bansa. Karamihan ng mga Filipinong nakatakdang pauwiin mula sa America ay biktima ng human trafficking kaya kinikilalang mga illegal alien sa Estados Unidos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |