Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chun Jie Kuaile

(GMT+08:00) 2017-02-08 15:51:44       CRI

Ang Pestibal ng Tagsibol o Chun Jie ay ang unang araw sa Kalendaryong Tsino. Kapag papalapit na ang Chun Jie,abala ang mga tao sa pagbili ng mga kagamitan, paglilinis ng bahay, pagluluto ng mga tradisyonal na pagkain, paggawa ng mga couplet, at pagsasabit ng mga dekorasyon. Ang pagsasalu-salo ng buong pamilya sa hapunan ay ang pinaka-importanteng aktibidad sa Pestibal ng Tagsibol o Chun Jie. Ang dumpling ay esensyal na bahagi ng hapunan. Kinakatawan ng dumpling ang pagsasama-sama ng pamilya at magandang hangarin. Nagsasama-sama ang buong pamilya para magdiwang at magsaya. Kapag Chun Jie o Pestibal ng Tagsibol, suot ang kanilang mga bagong damit, binibisita ng mga tao ang isat-isa, at binibigyan ng pera ang mga bata upang magpahayag ng mabuting hangarin. Tuwing panahon ng Chun Jie, ibat-ibang selebrasyon ang idinaraos tulad ng mga perya sa templo, mga pagtatanghal, at mga eksibisyon ng parol, na tumatagal nang halos kalahating buwan.

Ayon sa Nong Li o Kalendaryong Tsino, ipinagdiriwang ang Chun Jie o Pestibal ng Tagsibol. Ano ba ang Nong Li o Kalendaryong Tsino?

Ang Nong Li o Kalendaryong Tsino ay ang tradisyonal na kalendaryo ng Tsina, at kadalasang ginagamit sa agrikultura. Ayon sa Nong Li, ang buwang gasuklay ay lumilitaw sa unang araw ng kada buwan, at ang bilog na buwan naman ay lumalabas sa kalagitnaan ng kada buwan. Ang siklong ito ay tumatagal ng tatlumpung araw. Ayon sa magkakaibang posisyon ng araw, dalawamput apat na araw ang tanda ng dalawamput apat na dibisyon sa solar na taon ng Nong Li. Halimbawa, ang dibisyon na Li Chun o pagsisimula ng tagsibol ay nagpapaala-ala sa mga tao na parating na ang tagsibol. Ang Jing Zhe o paggising ng mga insekto ay nangangahulugang magiging mainit na ang panahon. Ang Li Xia o pagsisimula ng tag-init ay ang panahon ng pag-usbong ng mga pananim. Ang Da Han o Dakilang Lamig ay ang katapusan ng mabagsik na taglamig. Lahat ng mga ito ay bumubuo sa isang siklo. Ang ikatlumpung araw ng ikalabindalawang buwan ng Nong Li ay ang bisperas ng Bagong Taong Tsino; at ang susunod na araw ay ang Pestibal ng Tagsibol. Taun-taon.

Ngayong taon ay taon ng Tandang base sa Nong Li. Paano ba nalalaman kung anong hayop ang nakatugma bawat taon, at saan ito nakabase? Ang sagot mga kaibigan ay ang Shu Xiang. Kung ang Europa ay may 12 konstelasyon, ang Tsina naman ay may Shu Xiang o 12 hayop na sumisimbolo sa labindalawang sangay na ginagamit sa pagtatalaga ng taon. Tumatagal ng 12 taon ang buong siklo ng 12 hayop, at kada hayop ay nakatalaga sa isang taon. Naniniwala ang mga Tsino, na minamana ng mga tao ang karakter ng nakatalagang hayop na kanilang kapanganakan. Ang mga ipinanganak sa taon ng daga ay matatalino at ang mga ipinanganak sa taon ng baka ay masisipag. Ang mga ipinanganak sa taon ng tigre ay matatapang at ang mga ipinanganak sa taon ng kuneho ay mapagtimpi at maingat. Ang mga ipinanganak sa taon ng dragon ay pinagpapala ng kasaganaan, samantalang ang mga ipinanganak sa taon ng ahas ay mga romantiko, tulad ng inyong lingkod Ang mga ipinanganak sa taon ng kabayo ay mabibilis, at ang mga sa tupa naman ay matatapat. Ang mga ipinanganak sa taon ng unggoy ay ismarte, samantalang ang mga ipinanganak sa taon ng tandang ay may angking kagandahan. Ang mga ipinanganak sa taon ng aso ay matatapat at ang mga ipinanganak sa taon ng baboy ay may karisma.

12 Hayop ng Kalendaryong Tsino

Taon ng Tandang

Tandang

Pulang parol

Paputok tuwing Chun Jie

Pagdiriwang ng Chun Jie

Mga minoryang Tsino, habang nagdiriwang ng Chun Jie

Hong Bao

 

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>