Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Industriya ng konstruksyon ng Pilipinas, makikinabang sa China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum

(GMT+08:00) 2016-12-03 12:47:55       CRI

Noong nakaraang linggo, tinalakay po natin ang hinggil sa pagdaraos ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) na idinaos noong Nobyembre 17, 2016 sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina.

Sa kanyang presentasyon sa nasabing pagtitipon, sinabi ni Rhenita Rodriguez, Minister Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing na lubhang napakalaki pa ng espasyo para sa pag-unlad ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.

Determinado aniya ang Pilipinas na magbigay ng paborableng kondisyon para sa paglalagak ng negosyo, tulad ng liberal na polisiya at regulasyon sa FDI, at pagbubukas ng mga industriyang tulad telekomunikasyon, transportasyon, pagbabangko, retail at marami pang iba sa mga dayuhang puhunan.

Sinabi pa niyang maraming negosyo ang naghihintay para sa mga negosyanteng Tsino, at kabilang sa mga ito ang manufacturing at assembly ng mga bahagi ng bisikleta, e-vehicle para sa pampublikong transportasyon, light vehicle, trak at bus; manufacturing ng mga high-end garment tulad ng bag, at non-polluting na mga tela; pagpoproseso ng mga high-value na pagkain at pagkaing-dagat; component manufacturing at assembly ng mga photovoltaic na produkto; paggawa ng mga gamit sa konstruksyon at marami pang iba.

Habang nasa porum nagkaroon din po tayo ng pagkakataon na kapanayamin si Madame Sonia T. Valdeavilla, dating Executive Director ng Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP) at ngayon ay Director at Secretary ng Philippine Institute of Civil Engineers (Makati Chapter).

Sinabi niyang maraming pakinabang ang posibleng maidulot sa construction industry ng Pilipinas ang pagdaraos ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF).

Sa pamamagitan nito aniya, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kompanyang Pilipino at Tsino na magkooperasyon sa pagpapabuti ng imprastruktura sa Pilipinas.

 

Sonia T. Valdeavilla

Sonia T. Valdeavilla (kaliwa) habang kinakapanayam ni Rhio Zablan (kanan) ng Serbisyo Filipino

China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum Tuole

Pilipinas sa China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum Tuole

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>