|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
80 grams ng vegetable oil
10 grams ng asin
50 grams ng asukal
20 grams ng suka
10 grams ng prickly ash
10 grams ng cooking wine
10 grams ng luya, tinadtad
10 grams ng shallot, tinadtad
200 ml ng tubig o sabaw
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang pork ribs nang pakuwadrado sa sukat na 8 cms ang haba. Pakuluan sa loob ng 2-3 minutes tapos hanguin. Timplahan ng cooking wine bago ibudbod ang asin, prickly ash, tinadtad na luya at tinadtad na scallions. Pasingawan sa loob ng 30-50 minutes.
Sa isang kawali, initin ang 60 grams ng vegetable oil tapos iprito ang napasingawang pork ribs.
Sa isang hiwalay na kawali, initin ang 20 grams ng vegetable oil at idagdag ang asukal, suka at tubig na panabaw. Ilagay ang pork ribs at hayaang kumulo ang tubig. Haluhaluin. Bawasan ang apoy at hayaan pang kumulo ang sabaw. Pag halos wala nang sabaw, hanguin ang pork ribs at i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |